Ang gobyerno ay dapat nagbibigay ng sapat na puhunan at imprastruktura sa ating dakilang magsasaka upang mapanatili ang magandang serbisyong ibinibigay nito sa ating mga Pilipino lalo pa't ang mga pangunahing pangangailangan ng tao ay nanggagaling sa serbisyo ng magsasaka at produkto mula sa agrikultura. Dapat ay bigyan ng pansin ang puhunan at imprastrukturang ibabahagi ng gobyerno dahil ito ang pangunahing tungkulin nila.
Isa din sa suliraning kinakaharap ng agrikultura ay ang kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya. Sa panahon ngayon "high-tech" na lahat ng bagay dahil na rin sa tulong ng Siyensya, kaya'y dapat ang ating mga mangagawa sa agrikultura'y makipagsabayan narin sa pagbabagong nararanasan ng buong mundo. Kung merong makabagong kagamitan at teknolohiya mabilis na magagawa at makakapag produce ng produkto ang ating agrikultura at mapapabilis din ang serbisyong ibabahagi ng mangagawa. Tutulungan ng makabagong teknolohiya na gumaan at mas mapadali ang gawaing tao kaya't dapat bigyan ng malaking pondo ng gobyerno ang makabagonng kagamitan at teknolohiya para sa ikakaayos ng ating agrikultura sa tingin ng mga taong bayan.
Ang mga presyong agrikultura ay masyadong mababa para sa pagod at serbisyong ginagawa ng magsasaka. Dapat ay magtakda ng sapat at tamang presyo sa mga produktong agrikultura upang mas ganahang gumalaw ang ating mga mangagagawa sa agrikultura at mas malaki ang kitang matatanggap na makakatulong din para mas mapaunlad pa ang ating ekonomiya.
Marami pang sulliraning kinakaharap ang agrikultura ng Pilipinas ang tanging kailangan lang ay ang pagbibigay ng solusyon sa suliraning kinakaharap ng agrikultura para mas mapaunlad ito at makita ng taong bayan ang mas magandang pagbabago nito para makapagbigay ng serbisyong tutulong sa taong bayan.